Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) issued Resolution 13-19 Series of 2013 renaming the Filipino official name of the Philippines from “Pilipinas” to “Filipinas”. The resolution was signed on April 12, 2013 by ten Commissioners of KWF headed by National Artist for Literature Virgilio Almario.
Here is the complete text of the resolution.
———————————————————————————————————————————————————-
Republika ng Filipinas
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel,
Malacañang Complex, Maynila
KAPASIYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 13-19 SERYE NG 2013
PINAGTITIBAY ANG KAPASIYAHAN NA PAGBABALIK NG GAMIT NG “FILIPINAS” HABANG PINIPIGIL ANG PAGGAMIT NG “PILIPINAS”
IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na ibalik ang gamit ng “Filipinas” habang pinipigil ang paggamit ng “Pilipinas” upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagkabansa nito;
IPINAPASIYA pa, ang unti-unting pagbabago sa ispeling ng mga selyo, letterhead, notepad, at iba pang kasangkapan na may tatak na “Pilipinas” tungo sa “Filipinas”;
IPINAPASIYA rin na himuking baguhin ang opisyal na pangalan ng mga institusyon at kapisanang may “Pilipinas” ngunit hindi sapilitan lalo na sa mga entidad na naitatag sa panahong wala pang “F” sa alpabetong Filipino, habang ipinapatupad ang pagpapagamit ng “Filipinas” sa lahat ng itatatag na organisasyon pagkatapos pagtibayin at palaganapin ang mungkahing ito.
Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner sa Pulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner na ginanap ngayong 12 Abril 2013 sa Silid Pulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), 2F Gusali Watson, J. P. Laurel St., Malacañang Palace Complex, San Miguel Maynila.
(Lagda) KOM. VIRGILIO S. ALMARIO
Tagapangulo
(Lagda) KOM. ABDON M. BALDE JR.
Kagawad
(Lagda) KOM. JOHN E. BARRIOS
Kagawad
(Lagda) KOM. PURIFICACION G. DELIMA
Kagawad
(Lagda) KOM. JIMMY B. FONG
Kagawad
(Lagda) KOM. JERRY B. GRACIO
Kagawad
(Lagda) KOM. MA. CRISANTA N. FLORES
Kagawad
(Lagda) KOM. LORNA E. FLORES
Kagawad
KOM. LUCENA P. SAMSON
Kagawad
(Lagda) KOM. NORIAM H. LADJAGAIS
Kagawad
(Lagda) KOM. ORLANDO B. MAGNO
Kagawad
———————————————————————————————————————————————————-
It can be recalled that Almario already listed down his reasons for the change of ‘Pilipinas’ to ‘Filipinas’ in his article “Patayin ang ‘Pilipinas'” that was published in Diyaryo Filipino in 1992. A text copy of his article is now published online at KWF website.
The PDF copy of resolution is also available online at KWF Website: http://www.kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Resolution-13-19.pdf
Mga KAPANGPANGAN ba sila? WTP?
Does that mean, PTB will be changed to Finoy Travel Bloggers?
My faves Pinay Travel Junkie will be Finay Travel Junkie and Lakad Pilipinas to Lakad Filipinas?
You read naman diba. Filipinas lang. Not Finay or Finoy.
Haha! That is exactly my first concerns. Pati si The Finay Solo Backpacker 😛
Oo nga badtrip haha
WTF! Sad